sa isang karimlang langit...Ü

Huwebes, Agosto 30, 2007

Nung dalawang taon pa talaga nangungulit ang lahat sa 'kin tungkol dito... Eto pa iyung mga tanong nila...

"Kailan mo ba ibabalik iyung blog mo?..."

Pero sa totoo lang, sinadya ko talagang simulan 'to para umayon talaga sa simula ng kolehiyo ko... tanda daw ng isa nanamang panibagong buhay(naks! may ganun pang nalalaman!)... Kaya eto... habang inaantay kong ma-revive ulit iyung hero ko sa dota ngayon, nag-post na ako ng intro...

"Knocking on Heaven's door..." - title sa cowboy bebop OVA

Ano nga ba ang langit?.. Mga anu-anong elemento ba ang bumubuo dito?... Tuwa?.. Saya?... Ligaya?.. Walang hirap, pagod, lungkot, luha, sakit, gutom, uhaw, at julian?(joke lang, julian)..
Ang ibig sabihin ba nito e pag may lungkot, walang langit?... Ano nga ba ito at paano ito naging langit?...

Ano nga ba ang langit?...

(sa mga sandaling ito siguro buhay na hero ko.. pero tatapusin ko na muna 'to..)

Pagkatapos nung araw ng retreat namin e mag-isa akong pumunta sa isang lugar na di ko talaga maalis sa alaala ko... Madami "kaming" naging alaala dun... Dati na iyun, kasama siya... dati na iyun..

Laking gulat ko na lang at nakita ko siya dun...

Hehe... Matagal din ang dalawang buwan.. Kung tutuusin, lahat-lahat na siguro (maliban sa gymnastics) e nagawa ko na dun.. Ultimong Pag-aral ng violin e nagawa ko na... Kaya tuwang-tuwa ako nung nakita ko siya ulit. Dun pa mismo sa lugar na iyun..

Langit...

May mga iba din sa inyo na siguro mararamdaman niyo iyung ganito, o sa susunod pa kung di pa... Pero eto lang ang natutunan ko sa dalawang buwan ng pagkakatok ko sa pintuang iyon...
Magbubukas din iyon.. maniwala ka lang...

(waw ang drama.. titigilan ko na nga..)

knock, knock, knocking on heaven's door...
posted by kail at 9:43 PM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home