sa isang karimlang langit...Ü

Huwebes, Setyembre 6, 2007

Waw.. Bagong buhay...



1st year college na... magsisimula ulit sa wala... Syempre, di na ako pwedeng mabulok pa dun sa ssa... Ang taaagaaaal ko na dun.. inaamag na 'ko sa sobrang tagal.. Grabe nga e.. Naalala ko pa nung nagtatawanan pa kami ni ivan noon tuwing uwian kung sa'n kami papasok pagka-graduate.. Pinagtatawanan namin ang Don Bosco kasi wala daw future iyung lugar na iyun... pinag-tatawanan pa namin na dun nanggaling ang mga tulad ni F_ _ _ _ _ Fr_ _ and the like..



At sa isa nanamang ironic na parte ng buhay ko.. napasok ako sa Don Bosco..



Ibang-iba talaga iyung pakiramdam. Bago.. Iyung tipong dati e nagigising ako nang maaga kahit walang dahilan, ngayon e talagang tamad na akong gumising dahil sa sobrang aga... sa kabilang syudad pa kasi.. Biruin mo.. Sa Mandaluyong City na ako pumapasok ngayon.. Kaya nung mga araw na bumabagyo, di na ako nagdadasal na masuspend ang klase sa Q.C... Sa M.C. na ako ...



Ang tagal ko na din naging old student kaya parang isa akong anay sa isang colony ng langgam.. ganun.. wala akong kasama sa Don Bosco. Pero kung dahil ba 'to sa karma, hindi ko alam.. Pero walastik talaga iyung mga naging kaklase ko nung first day. Iyung unang lumapit sa 'kin, eto iyung unang tanong..



"Uy.. Nagdo-dota ka?"



Alam na... buti na lang, may experience na ako sa mga ganitong klaseng mga tao.. Iyung tipong pol..



Syempre gabi-gabi na ako nakakauwi. Pero ang maganda dito, gabi-gabing sizzling plate ang handa.. no choice.. matakaw ako at sigurado ginugutom din nanay ko pagkatapos ng pagkatagal-tagal na trabaho.. At sa tinagal-tagal ng mga gabing sizzling plate, eto iyung mga natutunan ko..



-masmukhang T-Bone ang Porterhouse kaysa sa T-Bone.
-mas-sulit ang Striploin kaysa sa Porterhouse.
-di sulit ang Salisbury. Nakaka-umay.
-mas di sulit ang fruit salad nila dun. Lasang fruit cocktail na nasa mayonaise.
-masama ang araw-araw na beef sa tiyan.


Sa skul din.. May bagong mga salita akong natutunan eto iyung mga iyun..



-kb -> kilig bols
-pinig -> pinigpig; mataba; siksik sa laman
-precious -> ang bagong astra
-Louie Mars -> karinderya na sizzling plate (akala ko nung una tindahan ng porn)
-LMC -> Louie Mars
-Amici -> pangalan ng unang canteen sa gitna na pagkamahal-mahal.
-Captain shuttlecock -> captain sa badminton
-kotse -> term sa magnetic card sa initial d/ mmt3 na naglalaman ng profile at kotse mo sa laro
-AWOO -> pina-usong sigaw ng klase galing sa pelikulang 300.
-king of kings -> pina-usong pangalan ng isang kaklase sa dota. may kakayahang magpa-ikot ng laro.
-master -> titulo ng isang kaklaseng magaling sa algebra.
-grandmaster -> titulo ng isang kaklaseng sobrang galing sa algebra, trigonometry, chem at dota. (OWNING!)
-chuckie -> bagong inumin na pinapa-uso ko.

at marami pang iba..

grabe.. hanggang dito muna. hehe..
posted by kail at 2:43 AM

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home